HANDOG ni Boy Abunda, bilang founding chair ng MYNP, sa lahat ng mga nanay at mga anak ang kanyang bagong ‘baby project’ na librong Make Your Nanay Proud (MYNP).

Inilunsad ng ABS-CBN Publishing, Inc. ang MYNP book nitong Huwebes (Oct. 23) bilang bahagi ng pagbubukas ng 2014 Philippine Literary Festival na inorganisa ng National Book Store at Raffles Makati.

Ang MYNP book ay koleksiyon ng mga pagbabahagi ng mga personal na karanasan ng ilan sa mga tinitingalang lider at pinakamatagumpay na personalidad sa bansa kabilang si Pangulong Benigno Aquino III, ABS-CBN President/CEO Charo Santos-Concio, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Manny Villar, Kris Aquino, Coco Martin, Anne Curtis, Kiefer Ravena, Kathryn Bernardo at maraming iba pa.

Binigyang-pugay ng bawat personalidad sa MYNP book ang walang kapantay na pagmamahal ng kani-kanilang ina at ang natatanging kontribusyon ng mga ito sa tagumpay na tinatamasa nila.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa MYNP book launch nitong Huwebes sa Ballroom 2 ng Raffles Makati, nakipagtalakayan si Boy sa lahat ng mga dumalo.

May libreng kopya sa mga anak na dumalo kasama ang kanilang nanay.