Jolina and Marvin

TINIYAK ni Marvin Agustin ang pagbabalik niya sa ABS-CBN.

Ayon sa aktor nang makausap namin bago siya sumalang sa programang Aquino and Abunda Tonight, isang teleserye ang comeback project niya sa istasyong naka-discover at nagpasikat sa kanya.

Pero ang pagkakaalam daw niya noong una ay sa susunod pa na taon siya gagawa muli ng project sa Kapamilya Network, kaya nagulat siya nang biglang may tumawag daw sa kanya dahil kailangan na siya sa taping ng isang bagong teleserye, ang Flordeliza.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Siyempre, masayang-masaya ang aktor na nakabalik na siya sa Dos.

“Dito ako nagsimula sa ABS-CBN. Sila ang nagbigay sa akin ng malalaking break sa career ko at siyempre utang ko sa kanila kung nasaan man ako ngayon,” seryosong lahad pa ni Marvin.

Nakapag-taping na siya ng ilang esksena at napasabak agad siya sa mabibigat na eksena sa Flordeliza.

Nalaman din namin kay Marvin na si Direk Wenn Deramas ang direktor ng Flordeliza. Original story raw ito at hindi hango sa dating pelikulang ginawa noon nina Janice de Belen at Julie Vega.

“Nakakapanibago na heavy drama ang mga eksena na kinuhanan namin kahapon nasanay kasi ako sa comedy at light roles lang, pero heto ang bagong challenge sa akin bilang artista,” sey pa ni Marvin.

Nang makausap si Marvin ay hindi siya sigurado kung sa project na ito niya makakasama ang magbabalik-ABS-CBN na rin na si Jolina Magdangal.

“Nang makausap ko si Jolens, eh, natutuwa siya sa posibilidad na magkasama kami sa network na nagbigay sa amin ng tiwala at malalaking break noon,” sabi pa ni Marvin Agustin.