JOROSS Gamboa

HINDI nakarating sa grand presscon ng Dilim sa Imperial Palace ang groom-to-be na si Joross Gamboa kaya sinikap niyang makadalo sa celebrity premiere night ng pelikula sa Trinoma cinema.

Ayaw nang pag-usapan ni Joross ang billing issue sa kanya sa movie. Aniya, nauna nang nagpahayag ng kanyang sentimiyento ang manager niyang si Noel Ferrer and he leaves it at that. “Poster lang ‘yun,” wika ng aktor sa ilang entertainment press.

Inayos naman ito ng Regal at sa OBB ng movie, mas nauna na siya kina Ella Cruz at Nathalie Hart na kinukuwestyon ng fans.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mas excited si Joross sa kanyang nalalapit na kasal sa November 29 sa kanyang non-showbiz GF of six years na si Katz Saga. Biro niya, binigyan na raw niya ng chance ang kanyang GF na mag-backout sa wedding pero hindi nito ginawa kaya tuloy na ito.

Pagkatapos ng kasal, aatupagin daw agad nila ang paggawa ng baby. Joross is turning 30 on November 28, a day before their wedding at ang soon-to-be-misis niya ay 29 years old na rin. Kaya naghahabol silang magkaanak agad.

“Opo. Pagkatapos ng kasal, ididiin ko na agad,” pabirong sabi niya.

Nang tanungin kung saan nila balak mag-honeymoon, kahit saan daw.

“Nag-iisip-isip kami kung saan-saan. Marami namang mapupuntahan. Honeymoon naman kahit saan ka pumunta. Ang honeymoon naman nangyayari lang ‘yan sa hotel, eh. Basta may view, magpasyal-pasyal kayo diyan ‘tapos ‘yung honeymoon sa kuwarto na lang,” pilyong kuwento niya.

Ngayong gabi, mapapanood si Joross sa Quiet Please! Bawal Ang Maingay, hosted by Richard Gomez and K Brosas.

Bahagi ang aktor ng Team Zombie kasama sina Bearwin Meily at Fabio Ide. Makakalaban nila sa P300 plus cash prize ang Team Frankenstein nina Bubbles Paraiso, Wendy Valdez at Regine Angeles.

Ang Quiet Please! Bawal Ang Maingay ay napapanood tuwing Sunday, 8 PM pagkatapos ng Who Wants To Be A Millionaire sa TV5.