Coco Martin

NAPANOOD na namin sa sinehan ang trailer ng Feng Shui 2 na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2014. Nangangahulugan lang na walang dapat ipag-alala ang lahat, hindi totoo ang kumalat na balita earlier this week na baka hindi makahabol sa filmfest ang sequel ng sikat na pelikula nina Direk Chito Roño at Kris Aquino.

Tuloy ang paghihintay ng maraming followers ng pelikulang nabanggit dahil ayon mismo sa bagong leading man ni Kris na Coco Martin ay tuluy-tuloy ang shooting niya sa Feng Shui 2.

Nagwakas na rin kasi sa ere ang top-rating primetime drama series na Ikaw Lamang kaya maluwag na ang schedule ni Coco at nasa pelikulang Feng Shui na ngayon ang konsentrasyon niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa ng sikat at premyadong aktor, tiniyak sa kanya ng Star Cinema na aabot sila sa deadline sa submission ng official entries sa MMFF 2014.

Samantala, kaarawan ni Coco sa November 1 at isasabay niya sa pagdiriwang nito ang kanyang ikasampung taong anibersaryo sa showbiz. Kasama ang manager niyang si Sir Biboy Arboleda, isang get-together party ang ihahandog ng aktor sa Miyerkules para sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang sampung taon sa industriya.

Binanggit ni Coco sa amin na balak niyang mababakasyon kasama ang buong pamilya niya sa Boracay o sa Sagada na inamin niyang sa sobrang dami ng trabaho ay hindi pa niya nararating.

“Pagkatapos siguro ng pelikulang Feng Shui 2. May target date na kasi, pang-filmfest ‘yon kaya minamadali na para makahabol,” sabi ng pinakasikat na aktor sa kasalukuyan.

Wala pa siyang susunod na assignment sa TV after Ikaw Lamang.

“Sana next year makagawa ulit ako. Sana may magandang istorya na babagay sa akin,” pahayag niya.