beyonce-jay-z-wedding

MATAPOS kumalat ang usap-usapan na hiwalay na ang superstar couple na sina Beyonce Knowles at Jay Z, muli silang nagpalitan ng “I do” sa kanilang renewal of vows.

“They did have major problems,” sabi ng source sa People. “But they worked it out and they’ve renewed their vows.”

Unang kumalat ang isyu sa hiwalayan ng mag-asawa nang mapanood si Solange Knowles, 28, na pinagsisipa ang Tome Ford rapper, 44, sa isang elevator, habang nakatingin lamang si Beyonce. Bagamat nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa, dagdag pa ng source, “They worked it out for [the sake of] their reputations and for [their 2-year-old daughter] Blue Ivy.”

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Simula nang paghandaan ang matagumpay na On the Run tour, nagdesisyon sina Beyonce at Jay Z na manatili sa London at Paris. Nabalitaan ang kanilang pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa City of Light.

“We love Paris,” ani Jay Z sa mga manonood noong Setyembre. “It’s special to us because we got engaged here, and this is where Blue Ivy was conceived.”

Samantala, kinumpirma kamakailan ni Beyonce ang kumakalat na espekulasyon na sila ay may paparating na baby at sinabing ito ay ang kanilang mga awitin na pinagsama sa isang album.

“What Jay and I have is real. It’s not about interviews or getting the right photo op. It’s real,” ani Beyonce sa Essence magazine. “We’ve been together a long time. We always knew it would happen.” - Yahoo/Celebrity