BELGRADE, Serbia (AP)– Isa nang proud father si Novak Djokovic.

Nag-Tweet ang top-ranked tennis player kamakalawa na siya at ang kanyang asawang si Jelena ay nagdiriwang sa pagkakasilang ng kanilang unang anak, isang sanggol na lalaking pinangalanan ng Stefan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

‘’Stefan, our baby angel was born!’’ ang ipinoste ni Djokovic sa Twitter noong isang araw. ‘’I’m so proud of my beautiful wife Jelena! Thank you so much for your love and support. We love you all!!!’’ Sa kanyang website, sinabi ni Djokovic na “the birth passed in the best way, and the baby and the mother are feeling fine.’’

Iniulat ng RTS, ang state TV ng Serbia, na nanganak ang asawa ni Djokovic sa Nice, France, malapit sa kung saan sila naninirahan sa Monaco.

Ang mga bagong magulang ay nagkakilala noong high school, at sila ay mahigit walong taon nang magkasama.

Nagpakasal ang dalawa noong Hulyo 10, apat na araw matapos mapanalunan ni Djokovic ang titulo sa Wimbledon nang kanyang talunin si Roger Federer sa final.

Sinabi rin ni Djokovic sa kanyang website na balak niyang maglaro sa Paris Masters sa darating na linggo at susubukan niyang maidepensa ang titulo upang mapigilan ang hamon ni Federer na tatapusin nito ang taon bilang No. 1 sa ranking.

Dagdag ng Serbian, siya ay “will spend several days with the baby and wife Jelena’’ bago magbiyahe patungong Paris.

Ang kapwa Serb at leading women’s player na si Ana Ivanovic ay matagal nang kakilala ni Djokovic at sinabing ito ay isang “great news.”

‘’I actually found out this morning after I woke up, and I was really thrilled for them,’’ ani Ivanovic, na kasalukuyang naglalaro sa WTA Finals sa Singapore. ‘’It’s one of the best moments you can have in life. I got goose bumps. It’s really thrilling, and I’m really happy for them.’”