Naglabas ang Philippine Coast Guard (PCG) ng abiso kaugnay ng pag-iingat na ipatutupad ng mga shipping company para malabanan ang sakit na Ebola.

Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo, sa ilalim ng inisyung maritime bulletin on Ebola precautions, pinaalalahan ng ahensya ang lahat ng mga ship master na agad iulat sa Coast Guard Station sakaling makitaan ng sintomas ng Ebola virus ang sinuman sa kanilang mga tripulante sa nakalipas na 15 araw.

Dapat ding ipaalam sa Coast Guard kung ang barko ay naglayag sa mga lugar na apektado ng Ebola gaya ng sa West Africa particular na sa Liberia, Sierra Leone at Guinea.

Paliwanag ni Commander Balilo, makikipag-ugnayan ang Coast Guard sa Department of Health at Bureau of Quarantine para sa kaukulang hakbang na gagawin.
National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte