Nadine Samonte and Richard Chua

BUMALIK na sa America si Isabel Rivas pero nakatsikahan namin siya sa pamamagitan ng Facebook. Tuwang-tuwa siya sa naglabasang balita ng pag-amin ni Nadine Samonte na kasal na siya kay Richard Chua, ang tagapagmana ng veteran actress/businesswoman.

Ilang close family friends lang ang nakakaalam sa naturang "secret wedding" nina Nadine at Richard kaya humingi na ng paumahin si Isabel sa iba pa nilang mga kaibigan pati na sa mga kaibigan niya sa press na kailangan niyang ilihim muna ang pangyayari.

Kagustuhan naman daw 'yun nina Nadine at Richard kaya halos isang taong naitago ang kasalan. Ngayong inamin na ng dalawa ang lahat, libreng-libre na siyang i-post ang mga larawan na kuha sa nasabing kasalan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Aniya, paisa-isa lang muna ang ipo-post niya. Hindi raw siya dapat mag-post ng marami dahil hindi naman siya ang ikinasal.

Siyempre, ang una niyang inilagay na larawan sa FB ay ang kuha nilang mag-ina nang ihatid niya sa altar ang anak.

"When you finally give your son to his bride ... tears of joy and all my praises goes only to God," ang inilagay na caption ni Isabel.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga kaibigan niya na nakikibahagi sa anumang kaligayahan niya ngayong nadagdagan ang anak niya sa katauhan ni Nadine.

October 30, 2013 naganap ang kasal nina Nadie at Richard sa kanilang malawak na lupain sa Zambales. Si Richard, na opisyal ng NAIA, ang may kagustuhan na doon ganapin ang pag-iisang dibdib nila ni Nadine.

Iilan lang ang sumaksi sa nasabing okasyon dahil pati ang pamilya ng dalawa ay hindi naging kumpleto.

Natupad ang nais nina Richard at Nadine dahil walang naglabas ng kahit na isang larawan sa mga taong nakasama nila sa okasyon.

Nalaman din namin kay Isabel na may sa unang taong anibersaryo ng kasal nina Ricahrd at Nadine ay may announcement ang magasawa, na nakatakdang magbakasyon sa Bali Indonesia.