Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang lalaki makaraang salpukin ng isang humaharurot na kotse sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ni PO3 Alfred Moises, officer-on-case, ang biktima na nasa 35 hanggang 40 anyos, kayumanggi, may taas na 5’4” at nakasuot ng maong na shorts at naka-sinelas.

Kusa namang sumuko si Lou Harvin Juanito, driver ng Toyota Corolla (BEN-722), 34, nakatira sa Lot 5, Blk 3, 5th St., Capitol Estate Subd., Brgy. Batasan matapos ang insidente.

Dakong 1:30 ng madaling araw, hindi umano dumaan sa overpass ang lalaki at basta na lamang tumawid sa Commonwealth Avenue sa tapat ng St. Peter Church nang bigla na lamang itong sinalpok ng kotse ni Juanito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa lakas ng pagkakasalpok sa biktima ng kotse ay tumilapon ito ng halos 15 metro bago nakaladkad ng isang van sa gutter bago ito tuluyang bumangga sa dalawang nakaparadang kotse.