Lipa City— Isinailalim sa restrictive custody ang dalawang pulis matapos matakasan ng isang preso habang nasa ospital sa Lipa City.

Posibleng makasuhan ng Evasion through Negligence sina PO3 Edwin Navarro at PO3 Alkhamzar Sabturan, kapwa naka-detail sa Lipa City Police Station.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nakatakas ang suspek na si Marvin Reyes, may kasong physical injuries at paglabag sa RA 7610, habang nasa Lipa City District Hospital matapos itong isugod doon dahil sa hindi makahinga noong Oktubre 19.

Naaresto rin si Reyes sa Barangay Balintawak ng lungsod matapos ang isang araw.
National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel