At the Research Institute for Tropical Medicine in Alabanag Muntinlupa Health officials lead by Sec Enrique Ona and Dr. Julie Hall country representative from WHO show how prepared the country in battling against Ebola disease he also shows different protection gears. (KJ ROSALES)

Idineklara ng Department of Health (DoH) na mas handa na ngayon laban sa banta ng Ebola Virus Disease (EVD) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.

“Having managed previous global public health emergencies, the RITM has become better-equipped with rapid detection technology, laboratory, hospital facilities, and trained personnel in responding to the threat of new infectious disease agents,” ayon kay Health Secretary Enrique Ona.

Aminado rin ang kalihim na kinakailangan nang ma-upgrade ang pasilidad ng mga ospital sa bansa upang maging handa ang mga ito sa paghawak ng mga nakamamatay na sakit, tulad ng Ebola.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Ang RITM ang nangunguna sa pasugpo ng mga global disease, tulad ng SARS Coronavirus, Pandemic Influenza H1N1 at Ebola-Reston.

Kaugnay nito, bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng pagpasok sa bansa ng EVD ay bumuo ang RITM ng triage system para sa hinihinalang kaso ng EVD.

Sa ilalim ng sistema, magkakaroon ng patient screening at evaluation, gayundin ng infection control practices.

Sasanayin din ang mga first-line health worker sa paghawak ng mga kaso ng sakit.

Bumili na rin ng mga modernong gamit ang RITM para sa laboratoryo ng mga ospital ng DoH mula sa Biosafety Level (BSL) 2 patungong BSL 3 at 4 para sa detection, treatment, at containment ng potentially high-risk infectious agents.

“To bolster its preparations, RITM, in coordination with the DoH and the World Health Organization (WHO), is set to conduct a comprehensive 3-day training course for healthcare professionals in the country,” paliwanag ni Ona.