Noli de Castro, Ted Failon at Gerry Baja

PINAKAMARAMING tagapakinig ang nakatutok tuwing umaga sa mga programa nina Noli de Castro, Ted Failon, at Gerry Baja sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta para alamin ang mga sariwang balita at komentaryo.

Sila ang pinipiling makasama ng mga tagapakinig sa Mega Manila, base sa pinakahuling survey ng Kantar Media noong Mayo.

Pagbungad ng araw, humahagupit ang mga komentaryo ni Gerry Baja sa Garantisadong Balita na nakakuha ng average audience share na 30 %.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagtala naman ng audience share na 34% si Kabayang Noli de Castro na naghahain ng mahahalagang balita at maiinit na isyu sa umaga.

Ang maaanghang at makabuluhang opinyon na hatid araw-araw ni Ted Failon sa Failon Ngayon sa DZMM ay may audience share namang 33%.

Bukod sa paghahatid ng balita at komentaryo, nangunguna rin ang DZMM anchors sa serbisyo-publiko sa pamamagitan ng kani-kanilang programa.

Pinangunahan ni Kabayang Noli ang pamimigay ng bags, school supplies at uniforms sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar, krisis sa Zamboanga at lindol sa Bohol. Ngayong Oktubre, bubuksan ang pitong silid-aralang ipinatayo ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation at programang ‘Kabayan’ at ang lahat ng gagamiting upuan ay mga donasyong idinaan kay Kabayang Noli. Personal na tutungo si Kabayan sa Leyte para pangunahan ang inagurasyon ng mga silid-aralan.

Higit 5,000 estudyante rin sa mga paaralan sa Leyte ang nabigyan ng pag-asa ni Ted sa pagtanggap ng school supplies at iba pang gamit pang-eskwela. Pinangunahan din niya ang pagpapatayo ng isang playground na gawa sa goma sa San Fernando Elementary School sa tulong ng iba’t ibang sponsors at partners.

Nakatutok naman si Gerry sa kanyang proyektong ‘Garantisadong Bangka.’ Sa tulong ng lokal na pamahalaan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, naipamigay noong Hulyo sa mga mangingisda sa Leyte ang mga bangkang de motor at gawa sa fiber glass. May mga bagong set ng bangkang ipamamahagi pa ngayong taon.

Sa lakas ng morning block, nananatili ang DZMM bilang number one AM radio station sa Mega Manila. Nakakuha ito ng average audience share na 30 % laban sa 18 % ng DWWW, 16 % ng DZBB at 14% ng DZRH noong Mayo.

Tuloy-tuloy din ang pagpapasaya ng DZMM para sa mga tagapakinig at manonood nito sa pagdiriwang nito ng ika-28 anibersaryo. Manatiling nakatutok sa DZMM para sa pagbabalik ng ‘Radyo sa Beinte Otso’ promo na mamamahagi ng mga espesyal na papremyo.

Para sa pinakasariwang balita at komentaryo tuwing umaga, tumutok sa ‘Garantisadong Balita (5AM), ‘Kabayan’ (6AM), ‘Radyo Patrol Balita’ (7AM) at ‘Failon Ngayon sa DZMM’ (8AM) sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta at DZMM Teleradyo (SkyCable Channel 26) o online livestreaming sa dzmm.com.ph. Para sa updates, sundan ang @DZMMTeleradyo sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/DZMMTeleradyo.