Hindi pa man nagkakasama-sama sa ensayo at nabubuo ang komposisyon ng Hapee Fresh Fighters ay sa kanila na nakatuon ang pansin ng 11 iba pang kalahok na koponan sa pagsambulat ng PBA Developmental League ngayong Oktubre 27 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng 11 coaches na dumalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate at kanila ring inihayag na puwersado na ang lahat ng mga lokal na manlalaro sa bansa na maglaro sa dalawa nitong isasagawang torneo upang makasali sa taunang PBA draft.

“The PBA Board of Governors had just recently decided that all local players must now play at least seven games in D-League for them to be eligible to the PBA Draft. It is now mandatory,” sabi ni Rickie Santos, PBA Operations chief.

Kabuuang 12 koponan naman ang kasali ngayong kumperensiya na binubuo ng AMA Titans, LPU-Breadstory, Café France, Cagayan Rising Suns, Cebuana Lhuillier, Jumbo Plastic Linoleum, MJM-Builders, MP Hotel Warriors , Racal Motors, Tanduay Light at Wangs Basketball.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

“Malakas kami on paper, pero kung titingnan mo ay pitong players pa lamang ang nag-eensayo sa amin,” sabi lamang ni Hapee team manager Bernard Yang. “Unless na magkasamasama iyan for almost one month, then saka natin masasabi na malakas ang team,’ sabi pa nito.

Ang Hapee ay binubuo lamang nina Marvin Hayes, Bobby Ray Parks Jr., Kirk Long, Garvo Lanete, Arnold Van Opstal, Earl Scottie Thompson at Christopher Newsome. Makakasama nito ang anim na iba pang manlalaro mula naman sa San Beda College na kasalukuyang naglalaro pa sa kampeonato ng NCAA.

Samantala, hindi naman agad makalalaro ang No. 1 draft sa liga na 6-foot-7 Fil-Tongan na si Moaia Tautuaa bunga ng responsibilidad nito sa Asean Basketball League at makakasama lamang pagkatapos ng torneo para sa Cagayan Rising Suns sa Nobyembre.