mariah, nick

LUMABAS ang ulat na nang maghiwalay ay nag-aagawan sina Mariah Carey at Nick Cannon sa kustodiya ng kanilang mga aso.

Mainit ang away ng dating mag-asawa, na naghiwalay noong Agosto, sa legal guardianship ng kanilang four-legged friends -- The Good Reverend Pow Jackson, Mutley P Gore Jackson The Third, Jill E Beans, Pipitty Jackson, Cha, Jackie Lambchops, JJ at Speak E Beans, ayon sa Sunday Express.

Ang dalawa, na mayroon ding three-year-old twins na sina Moroccan at Monroe, ay iniulat na naghati na ng kanilang £325 million fortune sa bisa ng kanilang prenuptial agreement.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinubsob ng America’s Got Talent host, 34, na ikinasal kay Mariah noong 2008, ang sarili sa trabaho simula nang sila ay maghiwalay.

Sabi ni Nick kamakailan: ‘’That’s why we all entertain, to put a smile on others’ faces. I take that as a lifelong goal, but still, at the same time, take it one day at a time.’’

Samantala, hindi malinaw ang naging dahilan ng pagtatapos ng kanilang anim na taong pagsasama simula nang kasal, ngunit ipinahihiwatig ng mga ulat na nagtaksil ang hunky star sa Hero hitmaker.

Gayunman, pinabulanan ni Nick noong Agosto na walang kinalaman ang infidelity sa kanilang paghihiwalay at iginiit na ang kanilang main focus ay palaging sa kanilang mga anak. -Bang