Tatlong katao ang namatay habang tatlo pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang owner type jeep sa Ilocos Sur noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office, ang insidente ay nangyari sa National Highway sa Sitio Kakaldingan, Barangay Lungog, ng naturang lalawigan dakong 4:30 ng hapon.

Ang mga namatay ay kinilalang sina Jun Damiao, Bernanditas Tejero Duerme at Dally Rivera.

Samantalang, isinugod sa Provincial Hospital sina Alfredo Madriaga, Fatima Tehero Duerme at Dennis Pascual na sinasabing nasa malubhang kalagayan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Abra ang pampasaherong jeep lulan ang anim na biktima na pawang taga-Ilocos Norte.

Pagsapit sa national highway sa Sitio Kakaldingan ay nawalan umano ng giya ang sasakyan at nahulog sa bangin.

Walang makapagsabi sa mga biktima sa insidente dahil may trauma pa ang mga ito.