SAN FERNANDO CITY, La Union – Kasunod ng pagkapinsala ng ilang pangunahing kalsada at tulay dahil sa pananalasa ng mga bagyo, ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 1 Director Melanio Briosos ang pagkukumpuni sa mga imprastruktura sa rehiyon.

Layunin ng nasabing direktiba na tiyakin ang kumbinyenteng pagbibiyahe sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Kaugnay nito, magsasagawa ang DPWH ng pagsasaayos sa mga butas na bahagi ng kalsada at clearing activities sa lahat ng national road at tulay sa Region 1, na napinsala sa nagdaang mga bagyo at baha. - Liezle Basa Iñigo
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20