SAMAL, Bataan – Nasagip ng pulisya ang isang 12 anyos na estudyante at ina nito matapos maaresto ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng isang kidnap-for-ransom gang sa kanilang hideout sa Barangay Gugu sa bayan na ito.

Kinilala ni Senior Supt. Flynn Dongbo ang mga naarestong suspek na sina Freddie Aguilar (kapangalan lamang ng sikat na singer) at Alvin Samar habang ang isa sa mga biktima ay nakilalang si Rod Christian M. Rivera, 12.

Sinabi ni Supt. Melecio Buslig, Balanga Police Station chief, na patungo ang mag-ina sa paaralan ng sa Barangay Sto. Cristo, Concepcion, Tarlac nang sila ay dukutin ng mga suspek kahapon ng umaga.

Mula Tarlac, dinala ng mga suspek ang dalawang biktima sa Gugu sa isang safehouse, hindi batid na sinusundan sila ng pulisya sa pamumuno nila Senior Supt. Ramon Buenafe.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Humiling umano ang mga suspek ng P15 milyon kapalit sa kalayaan ng mga biktima. “At about 2:30am of Oct 18, 2014, composite teams of anti-kidnapping group, Bataan police, and Tarlac PNP conducted a rescue operation in Brgy Gugo, Samal, Bataan which resulted to the rescue of victims and arrest of two suspects,” ayon sa report ng pulisya.

Sinabi ni Buslig na matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot din ng mga ito sa robbery at snatching sa Bataan at Tarlac. - Mar T. Supnad