ALCOY, Cebu – Tatlong hinihinalang kriminal ang napatay at pitong iba pa ang naaresto makaraang magkasagupa ang grupo nila at ng mga pulis na sumalakay sa kanilang hideout sa mga bayan ng Alcoy at Dalaguete, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report, may 100 operatiba mula sa Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force, Cebu Provincial Intelligence Branch, Regional Intelligence Group, Alcoy Police at Boljoon Police ang nagsagawa ng operasyon upang madakip ang mga hinihinalang kriminal na kumikilos sa Alcoy at Dalaguete.

Kabilang sa mga napatay sina Lorenzo Koronel, na may nakabimbing arrest warrant dahil sa murder; at Jojo Cañalon, isang pugante. Hindi pa nakikilala ang isa pang nasawi sa engkuwentro.

Napatay si Koronel sa isang operasyon sa Barangay Nug-as sa Alcoy, habang sa sagupaan din sa Bgy. Nalhub sa Dalaguete napatay si Cañalon.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Ayon kay Cebu Police Provincial Office (CPPO) Director Noel Gillamac, ang mga napatay ay pawang miyembro ng isang grupo ng mga kriminal na kumikilos sa kabundukan ng Alcoy, Dalaguete at Argao. - Mars W. Mosqueda