Fron-   From Left to right ,Erica Adachi ( Brazil for Petron ) Kaylee Manns ( USA  for Mane and Tail ) Miyo Shinohara ( Japan for Generica ) top L-R Alain Bergsma (USA for Petron ) Sarah Ammerman ( USA for Cignal ) Lindsay Marie stalzer ( USA for Cignal ) Kristy Jaeckel (USA for Mane &Tail ) Irina Tarasora ( Russia for Foton , Elena Tarasova (Russia for Foton 0 Emily Brown ( USA for RC Cola ) Bonita Wise ( RC ) and Natalia korokova (Russia for Generika ),at the smart Araneta .

Laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

 1 pm -- Opening ceremonies

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

2 pm -- Cignal

vs RC Cola-Air Force

4 pm -- Generika vs Petron

Mistulang beauty pageant subalit kinumpleto ng talento, abilidad at lakas ng mga dayuhan at lokal na volleyball players ang masasaksihan ngayon sa paghataw ng pinaka-aabangang 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Smart Araneta Coliseum.

Pumangalawa sa huling komperensiya, agad na sasagupa ang RC Cola-Air Force sa pagpalo nila kontra sa Cignal sa ganap na alas-2:00 ng hapon habang maghaharap naman ang Petron at ang title-contender na Generika sa alas-4:00 ng hapon sa larong inorganisa ng SportsCore sa tulong ng Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partner.

Una munang mapapanood ng mga tagasuprota ang isang makulay at magarbong seremonya kung saan ay irorolyo nina PSL president Ramon “Tats” Suzara at PSL chairman Philip Ella Juico ang engrandeng red carpet sa pagtanggap kay International Volleyball Federation (FIVB) Referees Commission chairman Ahmed Mohamed Hanafi Hassan at Asics Asia-Pacific marketing manager Kenji Oh sa pagsasagawa ng opening serve.

Pangungunahan din ni Suzara ang opening remarks habang si Juico ang magdedeklara sa pagbubukas ng mga laro na may temang: “Ito ang Volleyball.”

Gayunman, nakatutok ang lahat sa gaganaping labanan, kung saan ang Petron, na ipaparada ang dalawang pinakamaganda sa mga import na sina Alaina Bergsma at Erica Adachi, ay makikipagtagpo kontra sa Generika.

Kinukonsidera bilang ikalawang kinagigiliwan mula nang pahangain ni Brazilian charmer Leila Barros ang fans, tiyak na mahuhuli ni Bersgma, na naging 2012 Miss Oregon at nagwagi bilang Miss Photogenic noong 2012 sa Miss USA beauty pageant, ang puso ng mga lokal na panatiko dahil na rin sa kanyang angking matinding kalidad sa paglalaro at maging ang kagandahan.

Bago ito lumipad para sa kanyang unang paglalaro sa liga, nagawa muna nitong pamunuan ang University of Oregon sa isang produktibong kampanya sa NCAA Division I at tumayo bilang team captain ng US women’s team sa malalaking internasyonal na kompetisyon.  

Katulad din ito ng kapwa niya Brazilian na si Adachi, na kaaya-aya rin ang ganda, na tatayong setter bagamat isa ito sa pinakamaliit ngunit pinakamatalinong maglaro bilang playmaker sa nternational volleyball circuit.

Ang dalawang Brazilian ay sasamahan nina 6-foot-3 spiker Dindin Santiago, Carmina Aganon, Mayette Zapanta, Mary Grace Masangkay, Gretchen Ho at ang nagbabalik na si Fille Cainglet-Cayetano sa pagkumpleto sa pinakamatinding koponan sa liga matapos umalis ang tatlong beses naging kampeon na Philippine Army Lady Troopers.

“But still, I don’t think we’re the strongest team this conference,” sinabi ni Petron coach George Pascua. “Other teams have also strenghtened their respective lineups. We still have to work hard and translate that strength into victories on the court.”

Gayunman, inaasahang mahihirapan ang Blaze Spikers na makakatapat ang nagbagong bihis na Generika na pinalakas nina Natalia Korovkova ng Russia at Miyuu Shinohara ng Japan upang kumpletuhin ang nucleus ng dating  collegiate powerhouse na De La Salle University.

Matapos na pag-initin ang liga sa kanilang pagdala sa uniporme ng expansion team na AirAsia, nanatiling matindi ang Life Savers na binubuo ng nagbabalik laro na si Stephanie Mercado, Abby Marano, Michelle Laborte, kasama si Cha Cruz bilang team captain.

Dinagdagan pa ang Generika ni model Michelle Gumabao na iniulat na nasa perpektong kondisyon matapos na hindi nakapaglaro sa huling tatlong laban noong huling komperensiya.

“Everyone is capable of getting the championship,” pahayag ni assistant coach Benson Bocboc. “Hindi natin masasabi kung sino ang may advantage. The field is equal for all teams. It’s a wide-open race.”

 Sa unang laro, buo pa rin ang RC Cola-Air Force na sisimulang hagilapin ang mailap na korona kontra sa matinding koponan ng Cignal.

Ang Raiders ay pamumunuan ng mga beteranong international campaigner na sina Bonita Wise at Emily Brown kasama nina Joy Cases, Judy Caballejo, Maika Ortiz at Rhea Dimaculangan.

Makakasama nila ang bagong coach na si Rhovyl Verayo.

Ang HD Spikers ay sasandig naman kay Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman kasama sina Honey Royse Tubino, Abigail Praca at Jeck Dionela.