RAMOS, Tarlac - Tatlong lalaki ang nahaharap sa kasong malicious mischief matapos nila umanong buksan at sirain ang pintuan ng Mitsubishi Lancer GLX ng kura paroko ng isang Aglipayan Church sa Barangay Poblacion Center, Ramos, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Reynaldo Millo ang mga naaresto na sina Emil Alpons Tangonan, 21, ng Bgy. San Juan; Ron Daniel Manuel, 21, ng Bgy. Poblacion Center; at Nelmar Macaraeg, 21, ng Bgy. Poblacion North, Ramos, Tarlac.

Nabatid na aabot sa P15,000 ang halaga ng pinsala ng Lancer (PKB-735) ni Father Sherwin Verdadero, 32, may asawa, ng Bgy. Poblacion Center, Ramos, Tarlac.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists