ISASABAY ng Kapuso reality-talent search na Bet ng Bayan ang Western Visayas regional showdown sa isa sa pinakabonggang kapistahan sa Pilipinas — ang Masskara Festival ng Bacolod.

Makikisaya sa pagdiriwang ng siyudad ang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na sa unang pagbisita sa Bacolod ngayong taon ay inaasahang bibirit para sa kanyang Bacoleño fans.

Sasamahan siya ng kanyang Bet ng Bayan co-host at Ilustrado lead character na si Alden Richards sa showdown na magaganap bukas (Sabado, October 18), sa Bacolod City People’s House (dating New Government Center) sa ganap na 7 PM.

Ang board of judges ay binubuo nina Kuh Ledesma, Louie Ocampo, at ang Bacoleñong si Allan K. Makikipagdiwang din sa Masskara Festival ang mga bida ng Strawberry Lane at Hiram na Alaala.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ngayong araw, mapapanood sina Jake Vargas at Bea Binene, kasama sina Kim Rodriguez, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz sa Kapuso Mall Show sa Main Atrium ng SM City Bacolod simula 4 PM. Ang pinakaaabangang Dansskara Finals naman ay mapapanood sa Bacolod Public Plaza pagpatak ng 7 PM.

May Kapuso Meet and Greet naman sina Kris Bernal, Rocco Nacino, at Lauren Young ng Hiram na Alaala sa ganap na 10:30 PM na agad susundan ng Charter Day Countdown sa People’s House.

Ang highlights ng pakikisaya ng GMA sa Masskara Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta! sa October 26 na eere sa lahat ng GMA regional stations sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo , Bacolod , Davao , GenSan, at Cagayan de Oro.