TUBA, Benguet – Muling nababahala ang mga residente sa Sitio Poyopoy na nagiging tapunan ng bangkay ang kanilang lugar, makaraang dalawang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuan sa bayang ito noong Miyerkules.

Sa ulat ng Tuba Municipal Police, dakong 9:00 ng umaga nang ini-report sa pulisya ng isang scavenger ang pagkakatagpo nito sa nakitang bangkay ng lalaki sa malalim na bahagi ng bangin sa Sitio Poyopoy, Barangay Taloy Sur sa Tuba.

Ang bangkay ay nakasuot ng itim na short pants at T-shirt at nababalot ng packing tape ang ulo.

Samantala, ang isa pang bangkay ay nadiskubre sa loob ng sako na nakasuot ng short pants at T-shirt, ang leeg ay napupuluputan ng nylon rope at nakagapos ang mga kamay at paa.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Dakong 3:00 na ng hapon nang naiahon ang mga bangkay ng hinihinalang mga biktima ng summary execution mula sa 100 metrong lalim ng bangin.

Nabatid na simula noong Enero 2014 hanggang ngayon ay limang bangkay na ang itinapon at nakita sa lugar.- Rizaldy Comanda