Humaharap sa kasong panggagahasa ang isang barangay tanod matapos nitong halayin nang paulit-ulit ang 14-anyos na dalagita sa bayan ng Pitogo, Quezon City.

Ang biktima na itinago sa pangalan “Anna,” ay unang ginahasa noong Disyembre 2013 sa sarili nitong pamamahay at muling nasundan nitong Pebrero, Hunyo at Agosto hanggang sa siya ay mabuntis.

Sa imbestigasyon ng Pitugo Police Station, katakut-takot na pagbabanta ang inabot ng dalagita kung kaya’t hindi nito magawang magsumbong sa kanino mang malalapitan.

Nanganak ang biktima noong Setyembre 29.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20