Ni ELLAINE DOROTHY S. CAL

PASOK sa grand finals ng The X Factor Australia ang dalagang Pilipina na si Marlisa Punzalan nang ipahayag ang pinal na tatlong napili na maglalaban-laban para sa titulo.

Sa huling tapatan ng mga kalahok, kinanta ni Marlisa ang Help ng The Beatles at Hallelujah ni Leonard Cohen naman ang inawit ni Reigan Derry. Ang mga hurado ay kinailangang pumili ng tatlo para sa grand finals.

Pinahanga rin ni Marlisa noong Linggo ang mga hurado sa kanyang rendisyon ng Girl On Fire ni Alicia Keys at Impossible ni James Arthur sa tulong ni Dannii Minogue at ng kanyang tagasanay na si Ronan Keating. Si Derry ay nakatanggap naman ng dalawang boto mula sa kanyang taga-sanay na sina Redfoo at Natalie Bassingthwaight.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa pareho ang nakuhang puntos mula sa mga tagasanay at hurado, ibinase na lamang ang botohan sa mas gusto ng publiko at sa naging resulta ay si Marlisa ang napili.

Kaugnay nito, si Marlisa at ang kanyang mga katunggali ay magkakaroon ng konsiyerto sa kani-kanilang bayan sa Miyerkules bago ang araw ng kanilang pinal na labanan. Si Ray at ang Brothers3 ay magtatanghal sa Meandarra at Mudgee, si Punzalan naman ay sa Mr. Druitt.