blind-copy-copy

KAYA pala hiniwalayanng aktres ang kanyang ex-boyfriend, wala itong kaambi-ambisyon sa buhay at puro good time lang ang alam.

Tsika sa amin ng common friend ng dating magdyowa, napundi na si Aktres sa sakit na "katam" ng boyfriend.

"Puro barkada at gimik ang ginagawa, hindi man lang pinaguusapan ang future nil a, minsan nabanggit pero wala namang push, ana 'yun?" kuwento ng source.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Imbes na mag-ipon para sa future nila dahll sabi nga niya (ex -boyfriend) seryoso na siya at gusto na niyang si __ (aktres) ang makatuluyan niya, eh, wala namang nakikita, puro gimik ang ginagawa at puro barkada ang alam. Dadalawin lang si __ (aktres) kapag nami-miss niya, e, ano ba 'yun?"

Nakakatawa ang kuwento pa sa amin na mahilig mangolekta ng sasakyan ang ex-boyfriend ng aktres 'tapos namumroblema sa parking.

"Hindi ba malaking katangahan 'yun?" naiiling na tsika sa amin.

Ano nga ba ang trabaho ng ex-boyfriend ng aktres, dahil nakakalula naman yata ang lifestyle nito?

"Eh, maraming sideline, pero hindi naman kalakihan, pero imbes na mag-ipon, di ba, kung saan-saan ginagastos ang kita," sagot sa amin.

Ito rin siguro ang dahilan kaya hindi nagtagal ang relasyon ng naturang guy sa singer na pinuntahan pa siya rito sa Pilipinas dahil tagaibang bansa ang girl.

"Korek!" mabilis na sagot sa amin ng aming kausap. "Mga sasakyan na lang niya ang dyowain niya," napahalakhak pang sabi sa amin.