CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City - Sugatan ang isang pulis nang maputukan umano ng sariling armalite rifle habang inihahanda niya ito para gamitin sa Special Weapons and Tactics (SWAT) training sa kampong ito.

Isinugod sa St. Patrick’s Hospital si PO1 Noel Lilla Jr., 25, nakatalaga sa Batangas PPSC 4th Maneuver Platoon.

Ayon sa report ni PO2 Alexander Carpio, bandang 8:20 ng umaga noong Lunes nang inihahanda ni Lilla ang inisyu sa kanyang M16 rifle nang bigla itong pumutok at tinamaan siya sa paa.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20