Ni LESLIE ANN G. AQUINO

Naniniwala ang isang lider ng Simbahang Katoliko na muling masusubukan ang determinasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatanggol ng mga mamamayan nito bunsod ng naganap na pagpatay ng isang Pinoy transgender sa Olongapo City na kinasasangkutan umano ng isang US Marine.

“This will test the Philippine determination to defend its citizens and uphold its laws against the Americans,” pahayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Public Affairs Committee ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mapatutunayan din aniya kung patas ang Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika.

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Iginiit ni Pabillo na dapat nang nagsilbing aral para sa mga Pinoy ang isang dating kaso ng panggagahasa ng isang Pinay na kinasangkutan ng isa pang US serviceman na si Lance Corporal Daniel Smith ilang taon na ang nakararaan.

“Na 1-2-3 ang Pilipino doon,” pahayag ni Pabillo.

Sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na dapat panagutin ng gobyerno kung sino man ang responsible sa pagpatay kay Jeffrey Laude, alias “Jennifer” na isang transgender, noong Sabado sa isang otel sa Olongapo City.