Dalawang araw matapos ang pagpatay sa isang transgender sa Olongapo City, kinilala na ang US Marine personnel na itinuturong responsable sa krimen.

Sa ulat kay acting Olongapo City Police Director Senior Supt. Pedrito Delos Reyes, kinilala ang suspek na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Linggo nang matagpuang patay si Jeffrey Laude, alyas Jenny, 26, habang nakasubsob sa inidoro sa isang silid sa Celzone Hotel. 

Ang biktima ay huling nakitang nag-check in sa room Number 1 kasama ang isang foreigner.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa impormasyon na ibinigay ng Naval Criminal Investigative Service, si Pemberton ay nakadestino sa US Marine Corps 2nd Battalion, 9th Marines sa Camp Lejeune, North Carolina.

Positibong kinilala rin ng testigong si Mark Clarence Gelviro ang suspek.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong murder na isasampa laban sa suspek.

Sa ngayon, ayon sa US Embassy, nananatiling sakay sa USS Peleliu ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon ng joint Naval Criminal Investigative Service at ng PNP.

Gayunman, tiniyak ng US na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa Philippine law enforcement authorities para sa lahat ng isasagawang imbestigason.