Apat katao ang napatay ng pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang naghahapunan sa Barangay Saint Peter I,Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.

Namatay agad ang mga biktimang kinilalang sina Jason Legaspi, Marjorie Eliaso, Reynante Bulatao alyas “Spider, at isang hindi pa kilalang babae.

Tatlong suspek na lulan ng isang  motorsiklo, ang bumaril sa mga biktima.

Pinaniniwalaang onsehan sa ilegal na droga ang motibo sa krimen. 

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadamay lamang ang tatlo sa atraso ni Bulatao, na siyang target ng mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon naisinasagawa ng pulisya at tinitingnan kung may kuha sa closed circuit television (CCTV) sa mga kalapit na establisimiyento ang insidente.