Patay ang isang 38-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Diod Street, Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roel Jovellanos, residente ng San Juan City.

Naglalakad umano si Jovellanos sa Driod Street nang lapitan siya ng dalawang lalaki na bumaba mula sa isang motorsiklo at bigla na lang binaril nang dalawang beses.

Narinig ng mga testigo ang isa sa mga suspek na sumigaw ng “Ginahasa mo ang anak ko!” habang pinuputukan ang biktima.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Tinutugis na ng pulisya ng dalawang suspek. - Betheena Kae Unite