Piolo-Inigo-copy

SA September sa susunod na taon ay 18 years old na si Iñigo, at sa panahong iyon ay libreng-libre nang magkaroon ng love life si Piolo Pascual. Wala nang magagawa ang anak niya next year kapag may ipakilala na siyang kasintahan.

May promise pala kasi si Papa P sa kanyang unico hijo na hangga’t hindi pa ito tumutuntong sa disiotso anyos ay hindi siya muna magkaroon ng kasintahan.

Wala rin namang sey si Iñigo kung sinumang babae ang pipiliin niya. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“At the end of the day, I’m still his father, it’s still my choice. Ang agreement naman namin is when he’s 18, p’wede na. Kasi nga, I kind of broke his heart before because I promised him something and I didn’t do it,” sabi ni Piolo.

Gayunpaman, para kay Piolo ay natupad pa rin ang kanyang pangako sa anak niya na wala itong magiging kahati sa pagmamahal niya hangga’t hindi ito umaabot sa edad na 18. 

“So, I’m keeping my word. So, whoever I choose when the time comes, nasa sa akin na siyempre ‘yun. Hindi naman siya ang makikisama kundi ako,” seryosong lahad ng sikat na aktor. 

Sa kabilang banda, walang paghihigpit na maramdaman ang anak niya pagdating sa lovelife nito. Anytime, papayagan na niya si Iñigo na magkaroon ng girlfriend. Kahit sino pa ang mahalin ng bagets ay okay sa kanya basta masaya ito.

Samantala, bukod sa lalong tumataas na ratings ng Hawak Kamay ay abalang-abala si Papa P sa paghahanda para sa kanyang Sunpiology Run na gaganapin sa Nobyembre 15.