Inilunsad kahapon ng kababaihan mula sa city hall at sa siyam na barangay ng Muntinlupa City ang “Ating Dibdibin” Breast Cancer Awareness and Screening Campaign na ginanap sa 2nd Floor Lobby ng Muntinlupa City Hall.

Ginugunita ngayong Oktubre ang Breast Cancer Month kaya nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng libreng breast cancer screenings at lectures.

Nilagdaan nina Muntinlupa City Mayor Jaime R. Fresnedi at ICANSERVE Foundation Inc.’s Founding President Kara Magsanoc-Alikpala ang Memorandum of Agreement upang bigyang-daan ang pagkakaroon ng pulong o pagtitipon sa komunidad para sa breast screening, breast cancer lectures, pagpapakita ng breast cancer self exam tutorial videos samantala makatatanggap din ng breast cancer screening ang mga health worker sa barangay; pagsasanay ng mga doktor, nurse, at midwife at barangay health workers ng Muntinlupa City kaugnay sa maagang pagtukoy sa breast cancer.

Ilulunsad din ang Breast Cancer Trust Fund para sa mga residente ng Muntinlupa na nangangailangan ng subsidiya o buong suporta sa diagnostics at treatments sa breast cancer sa pamamagitan ng ordinansa at kasunduan sa ospital ng lungsod, opisyal na ugnayan sa mga pribado at pampublikong ospital o klinika, mga ahensiya ng gobyerno, funding agencies at non-governmental organizations na makatutulong sa subsidiya o libreng serbisyo at cancer treatments, kasama ang mammography at ultrasound.

National

De Lima sa pagdawit ni Garma kay Duterte sa ‘reward system’ ng drug war: ‘Laglagan na!’

Ang “Ating Dibdibin” ay pormal na binuksan ni Ms. Trina Reyes Biazon, chairperson at program director ng Gender and Development Office.