Ang isport na nagbigay ng nag-iisang gintong medalya ng bansa sa 17th Asian Games, at kaunting tungkol sa basketball at boxing, ang tampok ngayong araw sa lingguhang sesyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Ilalahad ni PhilCycling president Bambol Tolentino ang sunod na hakbang ng pederasyon kasunod ng gold medal effort ni BMX rider Daniel Caluag sa katatapos na Asiad sa Incheon, Korea.

Ang gold medal ni Caluag ang tanging nakayanang makuha ng 150-man strong na Filipino athletes sa edisyon ng quadrennial meet ngayong taon.

Sasamahan si Tolentino sa public sports program na mapakikinggan ng live sa DZSR Sports Radio 918 handog ng Shakey’s, Accel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ay sina Globalport coach Pido Jarencio, team manager BJ Manalo, at top rookie pick Stanley Pringle, gayundin sina dating world title contender Bernabe Concepcion, manager na si Ryan Gabriel, at Saved By The Bell promoter Elmer Anuran.

Metro

High school principal sa QC, arestado sa pangmomolestya umano ng 4 na estudyante

Tatalakayin nina Jarencio, Manalo, at Pringle ang darating na kampanya ng Batang Pier sa ika-40 season ng PBA, habang pormal na iaanunsiyo ni Anuran ang paglipat ni Bernabe sa kanyang lumalaking boxing stable.