Charlene-Aga-copy

BISI-BISIHAN pala ang maybahay ni Aga Muhlach na si Charlene Gonzales sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo, lalo na sa property development nila sa Batangas, kaya siguro hindi muna siya tumatanggap ng projects.

Nakapalitan namin ng mensahe si Mommy Elvie Gonzales tungkol sa ibinigay nilang Labrador retriever sa amin at kinumusta namin si Charlene na sabi namin ay mapanood na sana namin uli sa telebisyon.

Pero sinagot kami ng ever-beautiful grandma nin

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

a Andres at Atasha ng, “Maybe not so soon, busy developing their property and planning to take her masters in Harvard University, Cambridge Massachusetts, USA.”

Tinanong namin si Mommy Elvie kung iyong nasa Mataas Na Kahoy sa Batangas ang property na dini-develop ng mag-asawa, kaso hindi na nagbigay ng detalye, baka ayaw ipasabi.

Pero natatandaan namin ang kuwento ni Bossing DMB na kaya hindi visible ngayon sa showbiz si Aga ay dahil nag-eenjoy ito sa pagpapatakbo sa kanyang mga negosyo. Kaya nga raw pinag-aral ni Aga si Charlene sa Asian Institute of Management sa Makati, para ito ang mamahala sa businesses nila.

Tiyak na ito rin ang dahilan kaya planong mag-masteral ni Charlene sa ibang bansa, para nga naman kampante si Aga kung sakaling ganahan uli itong bumalik sa showbiz lalo’t maganda ang offer.

Sabi pa ni Bossing DMB, “Nalilibang ang mag-asawa sa negosyo, mas malaki kasi ang kita nila lalo na sa real estate, kasi kinonvert nila into resort cum farm subdivision ang nabili nilang lupa sa Batangas, pinatayuan ng mga bahay at lahat halos kaibigan din nila rin ang clients nila. Magaling sa negosyo si Aga.”

(Pero, paano na, missed na rin siyang mapanood sa bagong pelikula ng fans niya? --DMB)

Actually, si Aga na lang ang hinihintay ni Lea Salonga para matuloy na ang paggawa ulit nila ng pelikula sa Star Cinema. Oo nga, what’s keeping you so long, Mr. Muhlach?