Tatlong magkakapatid ang namatay habang naospital naman ang kanilang mga magulang makaraang malason sila sa kinaing karne ng pawikan sa Barangay Liang, Irosin, Sorsogon.

Ayon kay PO3 Ronnie Dollentas ng PNP Irosin, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, fish vendor, sa Matnog.

Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga anak nilang sina Jose Bernard, 5; Juvelyn, isa’t kalahating taong gulang; at Jacob, pero kinaumagahan ay isinugod ang buong pamilya sa Irosin District Hospital dahil sa pagsusuka at matinding pananakit ng tiyan.

Idineklarang dead on arrival si Juvelyn habang hindi na umabot nang buhay sa nilipatang Sorsogon Provincial Hospital ang dalawa pa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nakalabas na ng ospital ang mag-asawa.