MINA, Iloilo - Kung nais ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na manalo sa 2016 presidential elections, dapat niyang tigilan ang pagkukunwari na isa siyang mahirap.

“Kung patuloy siyang magkukunwaring mahirap, matatalo siya,” ayon kay dating Iloilo Rep. Oscar Garin Sr.

Ito ang unsolicited advice ni Garin sa kalihim matapos iendorso ni Iloilo Gov. Arthur Defensor Sr. si Roxas na maging standard bearer ng Liberal Party sa May 2016 elections.

Bumisita si Roxas sa bayan ng Mina, ang bayan ni Defensor, noong Oktubre 11 upang dumalo sa selebrasyon ng piyesta.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Kilala political strategist, iminungkai ni Garin kay Roxas na “magpakatotoo.”

“Kung ako siya, ilalantad ko ang aking pinanggalingan. Na ako ay ipinanganak na isang mayaman, lumaki sa yaman at mayaman pa rin hanggang ngayon,” payo ni Garin kay Roxas.

“At dahil ako’y isang mayaman sa simula pa, wala nang rason upang magnakaw pa ako sa gobyerno,” paliwanag ni Garin.

Sinabi pa ni Garin na dapat nang tigilan ni Roxas ang pagbabago ng kanyang imahe para maging “pangmasa.” - Tara Yap