Sarah Goldberg, Sarah Danielle Madison

CHICAGO (AP) — NAMAALAM na ang aktres na si Sarah Goldberg sa edad na 40 noong Setyembre 27.

Ayon sa kanyang ina na si Judy Goldberg, hindi na gumising ang anak na si Sarah mula sa pagkakatulog.

“She went to sleep and didn’t wake up,” ani Judy.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sinariwa ni Judy ang mga panahong nagsisimula pa lamang anak sa pag-aartista. Unang gumanap ang aktres bilang bumblebee sa Chicago City Ballet sa produksiyon ng Cinderella, at naging ekstra rin ito sa pelikula ni Julia Roberts na My Best Friend’s Wedding.

Napanood din ang aktres sa TV series na 90210, Judging Amy, The Beast, at sa CSI: Crime Scene Investigation.

Ang 7th Heaven ang huling pelikulang ginawa ng aktres, gumanap siya bilang Jewish medical student na nagkagusto sa isang binata na anak ng pastor.

“She wanted to go to medical school, and instead for three years she played a doctor on 7th Heaven,”paglalarawan ng ina.

Si Goldberg ay ipinanganak noong 1974 sa Springfield, kung saan ang kanyang ama ay nagtatrabaho bilang isang lawyer. Nag-aral din ang aktres sa Latin School of Chicago bago pumasok sa Amherst. Nag-ensayo ng yoga at skis ang aktres.

“She could get on (skis) backwards and blow kisses to people and pretend she was a water skier,” kuwento ni Judy.