MARTIN-Escudero-TMNG (1)

IPINAGLABAN ko si Mart (Escudero)!”

Ito ang mariing pahayag ni Direk Wenn Deramas nang tanungin ng mga katoto kung bakit hindi napasama si Mart Escudero sa part two ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation.

Pinalitan si Mart ni Matteo Guidicelli bilang moron na si Michael Angelo o Mike.

National

1 KOJC member, patay sa gitna ng paghalughog ng PNP para kay Quiboloy

“Personal ko siyang ipinaglaban kay Boss Vic del Rosario pero kapipirma lang ni Matteo ng bagong kontrata at kailangang bigyan agad siya ng movie assignment. Well , as you know, a contract is a contract,” saad ni Wenn.

Ang bago sa istorya ay ang pagtakas ni Becky (John Lapus) mula sa mental asylum upang maghiganti. Sa pagkakasama kay Matteo sa cast na kinabibilangan ng orihinal members na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin at DJ Durano, hindi kaya biglang sumulpot si Sarah Geronimo in a special cameo appearance at suporta na rin sa kanyang boyfriend? Abangan! –Remy Umerez