Nakamit ng Mapua ang top seeding papasok sa Final Four round ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament makaraang pataubin ang defending champion San Beda College, 87-78, sa kanilang playoff match kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagtapos na may parehas na barahang 15-3 sa nakaraang double round eliminations kaya naitakda ang nasabing playoff match upang alamin kung sino ang kukuha sa No. 1 at No. 2 spot sa Final Four round.

Tumapos na may personal best na 28 puntos si David Velvez, bukod pa sa 3 rebounds, 2 assists at 2 steals, kabilang dito ang pinakahuli at krusyal na steal niya kay Norrish Decapia sa midcourt na posible sanang nagbaba sa bentahe ng Red Robins sa 4 puntos, mahigit 1 minuto pa ang nalalabing oras.

Nag-ambag naman ng double-double 18 puntos at 10 rebounds si Sherwin Concepcion, bukod pa sa 3 assists at 2 blocks at tig-13 puntos naman sina Dennel Aguirre at Raymund Pascua.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa Red Cubs si Decapia na tumapos na may 14 puntos.

Bagamat natalo, may taglay pa ring twice-to-beat advantage ang San Beda sa makakatunggaling third seed team na Letran College, gayundin ang Mapua na kailangang talunin ng dalawang beses ng fourth seed Jose Rizal University para makapasok sa kampeonato.