MADRID (AFP)— Nanawagan ng mabilis na pagkilos ang isang mataas na opisyal ng kalusugan sa US noong Huwebes para mapigilan ang nakamamatay na Ebola virus na maging susunod na epidemya ng AIDS, habang isang Spanish nurse ang nasa malubhang kondisyon.

Si Teresa Romero, 44, ay “very ill and her life is at serious risk as a consequence of the virus,” pahayag ni Madrid regional president Ignacio Gonzalez sa parliament.

Siya ang unang tao na nahawaan ng Ebola sa labas ng Africa.

Samantala, nanawagan ang United Nations chief ng “20-fold increase” sa pagtugon ng mundo sa pagkalat ng Ebola, na pumatay na ng halos 3,900 katao sa West Africa simula nitong unang bahagi ng taon.

National

Leni-Kiko nag-collab, sinayaw isang TikTok trend

Ang pagpasok ng Ebola sa United States at Europe ang nagtaas ng pangamba sa mas malawakang outbreak, at nagtulak sa United States, Canada at Britain na simulan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na airport screening ng mga pasaherong dumarating mula sa West Africa.

Hinulaan ng US Centers for Disease Control and Prevention na ang bilang ng mga kaso ay maaaring umakyat sa 1.4 milyon sa Enero kapag walang nagawang mas matitibay na hakbang para masugpo ang sakit, na naikakalat sa pamamagitan ng paghawak sa bodily fluids ng isang nahawaang tao.

“We have to work now so that it is not the world’s next AIDS,” himok ni CDC Director Tom Frieden sa mga pinuno ng United Nations, World Bank at International Monetary Fund na nagtipon sa Washington.

“I would say that in the 30 years I’ve been working in public health, the only thing like this has been AIDS,” dagdag niya, nagbabala ng kakaharaping “long fight.”