Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga anunsiyo na nakakagaling ng iba’t ibang sakit ang isang uri ng herbal food supplement na turmeric.

Ginawa ng FDA ang pahayag matapos ipatalastas sa mga pahayagan at Internet ang ng Health Rich Pharma Inc. na ang kanilang produkto na Turcumin Herbal Food Supplement ay “remedy for all sorts of inflammation in the body”.

Sa advisory ni FDA Director General Kenneth Hartigan-Go, binigyang diin niya na “false, deceptive at misleading” ang nasabing patalastas at hindi dapat paniwalaan o kagatin ng publiko ang Turcumin Herbal Food Supplement ay aprubado ng ahensya bilang isa lamang food supplement at hindi bilang isang gamot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20