Boy-Abunda

NAGING malaking isyu ang komento ni Boy Abunda tungkol sa kabadingan at sa pagiging Katoliko niya, na hindi siya sang-ayon sa lahat ng itinuturo ng simbahan tungkol sa homosexual relationship.

Ipinahayag ni Kuya Boy sa The Bottomline With Boy Abunda last week na hindi siya pabor sa pagbabawal sa mga bakla na makipag-sex sa kapwa lalaki.

“I am not devout, in the traditional way of defining devout,” sabi niya. “I am a Catholic and I am proud to be Catholic.”

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Pero idinagdag niya na may mga turo ng Katoliko na hindi niya sinasang-ayunan.

“I do not agree to all the teachings of the Church, and one of them is saying that, ‘We’re okay with homosexuality, but the moment you practice, the moment you have sex, it is a sin.’” lahad pa ng co-host ni Kris Aquino sa The Buzz at sa Aquino & Abunda Tonight.

Ipinaliwanag ng isang obispo na nakausap namin na walang bawal sa pagmamahalan ng lalaki sa kapwa lalaki at sa babae sa kapwa babae. Kailangan daw nating magmahalan, pero ang malaking kasalanan nga ay ang “sexual contact” ng babae sa babae at lalaki sa lalaki.

“Sa aking pananaw, paano naman ako magmamahal bilang isang homosexual man if I don’t express sexually my love with my partner? Isa ‘yon sa mga disagreements. Doon kami hindi nagkakaintindihan,” katwiran ni Boy Abunda.

Aware naman ang lahat, lalung-lalo na ang mga taga-showbiz na mahigit na 30 taon nang nagsasama sina Boy Abunda at Bong Quintana. At sa paniniwala ng King of Talk, walang kasalanan sa pagsasama nila.

“How can love be a sin?” balik tanong pa ni Boy Abunda.