Haharapin ng taumbayan ang pagbabayad ng mas mataas na singil ng kuryente pagsapit ng Mayo 2015, dahil nabigo ang mga opisyal ng gobyerno na makita – ang gumawa ng angkop na hakbang – ang magiging kakapusan ng mahigit 300 megawatts sa Luzon sa panahong iyon.
Nitong mga huling buwan, dapag nakapagplano na sila para sa pagtatatag ng mga bagong planta, o pinalawak ang kapasidad ng produksiyon ng enerhiya ng mga kasalukuyang planta. Ngayon lumala na ang problema hanggang maging emergency, nagpanukala sila ng emergency measures at ang taumbayan ang magbabayad niyon.
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na ang bahagi ng Malampaya Fund – aabot hanggang P10 bilyon – ay maaaring gamitin na pambili ng mga generator set upang magkaroon ng karagdagang kuryente sa Mayo 2015. Agad namang sumang-ayon si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa mungkahing ito na gamitin ang Malampaya Fund upang maiwasang ipasa sa mga consumer ang gastusin.
Ang paggamit ng mga emergency generator na ito ay susuportahan ng isa pang programa upang pahintulutan ang mga pribadong kumpanya na gamitin ang sarili nitong generator at tumanggap ng kabayaran mula sa gobyerno. Hihilingin ang pribadong sektor na tumulong sa pamamagitan ng pagrerebisa ng kanilang mga oras ng trabaho at mga schedule ng produksiyon. Hihimukin din ang publiko na magtipid sa kuryente, sa kani-kanilang tahanan halimbawa ang pagpapatay ng ilaw kung hindi naman ginagamit.
Mahigit P130 bilyon ang natitira sa Malampaya Fund, ayon kay Sen. Ralph Recto. Dapat mayroong P170 bilyon ang na-remit sa ating gobyerno bilang royalties na binayaran ng Royal Dutch Shell mula sa natural gas operations sa Palawan. Ngunit may nakapagsabi na P25 bilyon ang nagastos ng administrasyong Arroyo at isa pang P15 bilyon ang nagamit ng administrasyong Aquino noong 2013. Hindi na ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigason sa umano’y iregularidad sa paggamit ng Malampaya Fund.
Ngunit iba namang istorya iyon. Sapat na kung gagamitin natin ang bahagi niyon upang matugunan ang powes shortage pitong buwan mula ngayon. Kung tutuusin, ang Malampaya Fund ay inatasan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na gamitin para sa energy development at sa iba pang proyekto na inaprubahan ng Pangulo.
Nang humiling si Pangulong Aquino sa Congreso para sa emergency power upang makipagkontrata siya para sa karagdagang generating capacity nang matugunan ang inaasahang shortage, may suliranin sa kung magkano ang babalikatin ng taumbayan at ng mga industriya. Ngayon nagkaisa na ang mga leader sa Kongreso na maaaring gamitin ang Malampaya Fund, hindi na tayo masyadong mamomroblema sa inaasahang power shortage.