Hinikayat ni Senator Cynthia Villar ang bawat pamilyang Pilipino na magsagawa ng family farming o pagtatanim ng gulay at prutas sa bakuran lalo na ang mga nakatira sa lalawigan.

Ayon kay Villar, madalas na sa backyard farms o vegetable gardens nagsisimula ang agri-related o farm business enterprises at mahalaga rin ito sa food security.

Ideneklara ng United Nations (UN) ang 2014 bilang International Year of Family Farming. Sa ulat ng UN aabot sa 1.5 bilyong katao ang nasa family farming sa mahigit 500 milyong sakahan sa buong mundo. May 50 porsiyento rin ng pagkain sa buong mundo ang nagmumula sa mga magsasakang pamilya.

Binigyang-diin ni Villar na sa maliit na kapital at kapirasong lupa ay maaari nang magsimula ng isang agribusiness.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon