DALLAS (Reuters)— Namatay ang unang tao na nasuring may Ebola sa United States noong Miyerkules, at inutusan ng gobyerno ang limang paliparan na simulang salain ang mga may lagnat na pasaherong nagmumula sa West Africa.

Ang Liberian na si Thomas Eric Duncan ay namatay sa isang isolation ward ng ospital sa Dallas, 11 araw matapos ipasok noong Setyembre 28.

Sinabi ng White House na magpapatupad sila ng karagdagang pagsasala para sa lagnat sa mga dumarating na pasahero mula West Africa. Magsisimula ang screening sa John F. Kennedy airport ng New York sa weekend, at kalaunan ay ipatutupad din sa Newark Liberty, Washington Dulles, Chicago O’Hare at Hartsfield-Jackson Atlanta.

Kahit pasado sa Immigration: Netizen, inireklamo isang airline dahil hindi pinaalis tatay niya sa 'Pinas