Naniniwala si Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima na maraming nalalaman si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa mga sinasabing anomalya sa Lungsod ng Makati.
Ayon kay De Lima, karamihan sa mga whistleblower na nasa kustodiya ng gobyerno ay may alam sa iba’t ibang iregularidad dahil direkta ang kanilang naging partisipasyon sa mga transaksiyon.
Ang pahayag ni De Lima ay ginawa sa panayam sa Senado ng dumalo ito sa budget hearing ng DoJ.
“Sila ay involved kasama sila roon sa mga alleged na kalokohan. Kaya ang mga whistleblower ay more often than not, they are credible what they are talking about,” ani De Lima.
Sa ngayon ay itnuturing ni De Lima si Mercado na isa na ring whistleblower dahil sa may direkta itong partisipasyon sa mga sinasabing anomalya na kinakasangkutan umano ni Vice President Jejomar Binay at ilang myembro ng pamilya nito.
Sinabi pa nito na inamin din ni Mercado na nakakomisyon din siya mula kay VP Binay noong ito ay alkalde pa ng Makati kaugnay sa bidding ng malalaking proyekto.
“They know what they are talking about, there are right there because they are involve. So as a whole, we can consider this testimony or this witnesses credible,” dagdag pa ng kalihim.