Nahaharap ngayon sa kasong graft and corruption si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. dahil sa umano’y pagtanggi nitong paupuin sa puwesto ang inihalal na punongbayan ng Aliaga, Nueva Ecija na nadesisyunan na ng korte.

Kinuwestiyon din ni Reynaldo M. Ordanes ang pagpapalabas ni Brillantes ng temporary restraining order na pumapabor sa kanyang katunggali sa pulitika na si Elizabeth R. Vargas, na ngayo’y nakaupo bilang mayor ng Aliaga.

Sa kanyang 6-pahinang reklamo, inakusahan ni Ordanes si Brillantes nang paboran nito ang kanyang kalaban sa pulitika na umano’y paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft Law.

Iginiit din ni Ordanes na kilala rin si Brillantes sa Aliaga na naging abogado ni Vargas bago ito naitalaga bilang Comelec chairman.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Ayon kay Ordanes, si Vargas ang nanalo at iprinoklamang mayor ng munisipalidad base sa resulta ng botohan noong May 2013 elections.

Subalit nang kuwestiyunin ni Ordanes ang resulta sa Cabanatuan Regional Trial Court (RTC), naglabas ito ng desisyon na ang complainant ang nanalo sa halalan.

Base sa desisyon ng korte, nakakuha si Ordanes ng 11,416 boto habang si Vargas ay mayroong 11,405 boto.

Ani Ordanes, naghain siya ng motion for execution pending appeal na dinesisyunan noong Hunyo 19, 2014. - Jun Ramirez