Nabiyayaan ang ilang “paboritong supplier” ng Department of Transportation and Communication (DoTC) ng kontrata sa P53 milyong buwanang maintenance service ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ito ang ibinulgar ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President at Navotas Rep. Tobias Tiangco sa gitna ng tumitinding batikos sa mga DoTC official bunsod ng sunud-sunod na aberya sa MRT.

Binatikos ni Tiangco ang administrasyong Aquino na gawin umano nitong “paboritong gatasan” ang MRT 3 kaya nalalagay sa peligro ang kaligtasan ng mga pasahero.

“The DOTC already knew that MRT’s maintenance provider has not been fulfilling its contractual obligation of buying rails and they are aware that the riding public’s convenience and safety are compromised,” ayon kay Tiangco.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Inihayag ng mambabatas na bigo ang APT Global, na maintenance provider ng MRT, na gampanan ang obligasyon nito sa pagmimintina ng mass transport system at napapanahong pagbili ng mga kakailanganing piyesa ng mga tren.

Dahil din sa sira-sirang riles ng MRT ay madaling bumigay ang MRT 3 na nagdudulot ng matinding perwisyo sa daan libong pasaherong sumasakay dito araw-araw.

“Why is the DOTC tolerating the failure of APT Global to meet its contractual obligations?” tanong ni Tiangco. - Ben Rosario