Mismong ang sarili ang nagpahamak sa isang lalaki nang ikuwento niya sa kanyang kainuman na may aakayatin siyang bahay para pagnakawan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa selda na nahimasmasan ang lasing na si Ricardo De Leon, 42, ng Block 44, Lot 8, San Juan City, na ngayon ay hahaharap sa kasong robbery.

Ayon sa report, bandang 10:00 ng gabi, nakikipag-inuman si De Leon sa kanyang kakilala sa Sta. Quireria, Barangay 163, Caloocan City.

Dala ng kalasingan, nagbida ito sa kanyang mga kainuman na may papasukin itong bahay pagkatapos ng inuman na narinig naman ni alyas Rey at binigyan nito ng babala ang may-ari na si Delma na malapit sa lugar na pinagiinuman ni De Leon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pagkatapos lagukin ang huling tagay ay tumayo na ang suspek at pinasok ang bahay ni Delma para pagnakawan.

Ang hindi alam ng suspek na nakapagsumbong na sa mga barangay tanod ang babae at inaresto ang suspek sa aktong inilalalabas ang electric fan at gas stoves ng biktima.