RURU Madrid

ISA sa early birds sa Treatrino para dumalo sa awards night ng 11th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society ang Protégé runner-up na si Ruru Madrid.

Nominado si Ruru sa kategoryang Best Breakthrough Performance by an Actor (Bamboo Flowers) at isa sa mga performer nang gabing iyon.

Galing pa sa out of town taping si Ruru at on his way back to Manila ay naaksidente ang kanilang sinasakyan ng lasing na trike driver.

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Professional that he is, despite the minor accident, matinding trapik at malakas na ulan, Ruru arrives on time para sa natanguang event ng Enpress.

Nakakatuwa si Ruru na boluntaryo pang nagpasabi sa dalawang kasamahan namin sa Enpress -- fellow members and Balita contributor Nora Calderon at Nitz Miralles -- na darating siya sa awards night at willing mag-perform. Tinupad iyon ng bagitong aktor ng Seasons of Love: Soul Mate, Soul Hate ng GMA Network.

Sadly though, Ruru lost to Marc Justine Alvarez (for his sterling performance in Transit) as Breakthrough Performance by an Actor winner.

"Maraming salamat sa nominasyon,” shout out ni Ruru sa kanyang Twitter account. “Ma-nominate lang, isang karangalan na po para sa akin."

Very professional kasi kaya umaalagwa ang career ni Ruru as evidenced by his string of TV projects sa Kapuso Network.

Si Ruru ay kongkretong ehemplo na hindi man pinalad na maging grand winner ay nahigitan pa ang accomplishments ng nanalo sa nabanggit na talent search sa telebisyon.